ilarawan ang plebeian

Sagot :

Ang mga plebo[1], plebyano, o plebeyano ay ang mga karaniwang tao sa lipunan ng Sinaunang Roma. Sa hanay ng kaantasang panlipunan ng matandang Roma, nasa ibaba sila ng mga patrisyano, subalit mas nakaaangat kaysa mga taong pinalaya at higit na nakaaangat kaysa mga alipin. Sila ang mga taong ipinanganak na malaya ngunit may kaunting kapangyarihan sa Sinaunang Roma.[2] Noong mga 500 BK sa Republika ng Roma, hindi sila nakapaglilingkod bilang mga politiko sa mga tanggapan ng pamahalaang Romano. Hindi sila maaaring maging pari, at hindi rin makapag-aasawa ng mga taong patrisyano. Subalit nakapaglilingkod sila bilang mga sundalo sa hukbong katihan.[2]
Ang mga plebeian ay mga karaniwang tao sa rome,sila ay manggagawa at mga alipin.. sila ay hindi nagtatamasa ng mga karapatan hindi gaya ng sa mga patricians.