Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a. tula
c. talumpati
b. sanaysay
d. balagtasan


Sagot :

Talumpati

Sa mga naibigay na pagpipilian, ang tamang sagot ay ang letrang C. Ang talumpati ay tumutukoy sapagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng madla. Tinatawag na talumpati ang anumang kaisipan ng isang tao na nais niyang ipabatid sa mga manonood. May layon itong mangatwiran o manghikayat upang suportahan ang pahayag tungkol sa isang paksa o bagay na pinag-uusapan. Karaniwang nagpapaliwanag ang tagapagsalita tungkol sa isang mahalagang paksa.

Sa pagtatalumpati, ang layunin ng talumpati ay maaaring:

  1. Talumpating Pampalibang
  2. Talumpating Nagpapakilala
  3. Talumpating Pangkabatiran
  4. Talumpating Nagbibigay-galang
  5. Talumpating Nagpaparangal
  6. Talumpating Pampasigla

Maaaring mabasa ang iba pang impormasyon tungkol sa talumpati sa link na ito https://brainly.ph/question/1203341

#BetterWithBrainly