ano ang ipinagkaiba ng salawikain at sawikain

Sagot :

Ang sawikain ay mga salitang patalinghagang karaniwang ginagamit sa araw-araw.ito ay nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng salitang isinasaad nito. Halimbawa: itaga sa bato- tandaan. 
Ang salawikain ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan.Ginagamit ito bilang sandata sa pangangatwiran. Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Ang sawikain ay mga salitang patalinghag karaniwang ginagamit sa araw-araw.Ito ay nagbibigay ng di-tiyakang kahulugan ng isang salitang isinasaad nito.Ang salawikain naman ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan.Ito ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay.Karaniwang sambitin ito ngayon . Ginagamit ito bilang sandata sa pangangatwiran.