Ano ang sanaysay na pormal at di-pormal?

Sagot :

Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu. Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda. Iyan ang kaibahan ng sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Sanaysay na Pormal

  • Ang sanaysay na pormal ay tinatawag ding maanyo.
  • Ito ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.
  • Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na pormal ay manghikayat, magturo o magpaliwanag.
  • Ang tono ng sanaysay na pormal ay seryoso. May basehan ang mga sinasabi ng may-akda sa isang sanaysay na pormal. Madalas na ito'y base sa pananaliksik at masusing pag-aaral.
  • Dahil dito, ang mga salitang ginagamit sa sanaysay na pormal ay mas seryoso at teknikal.
  • Ang ayos ng sanaysay na pormal ay lohikal at maayos.

Sanaysay na Di-Pormal

  • Sa kabilang banda, ang sanaysay na di-pormal naman ay tinatawag ding Sulating Impormal.
  • Ito ay ang uri ng sanaysay na nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng sumulat nito.
  • Ang mga nakasulat sa isang sanaysay na di-pormal ay base sa sariling karanasan o opinyon ng may-akda.
  • Ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal ay manudyo, magpatawa o mangganyak.
  • Sa pagsulat ng sanaysay na di-pormal, mas nailalabas ang pagka-malikhain ng may-akda.
  • Mas nakaaaliw at hindi seryoso ang tono ng isang sanaysay na di-pormal.

Iyan ang kahulugan ng sanaysay na pormal at di-pormal. Sana ay makatulong ito kapag sumulat ka ng iyong sariling sanaysay na pormal at sanaysay na di-pormal.

Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click at basahin:

  • Ano ang isang lakbay-sanaysay? https://brainly.ph/question/491100
  • Ano nga ba ang ibig sabihin ng sanaysay? https://brainly.ph/question/454272
  • Anu-ano nga ba ang mga bahagi ng isang sanaysay? https://brainly.ph/question/167003