Gaano kahalaga ang maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao?
Patunayan.


Sagot :

Bakit nga ba mahalaga ang maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao.

Napakahalaga ng maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao, dahil dito nakabase kung anong klaseng tao ka at kung paano ka makitungo sa iyong kapwa, batayan ito kung paano ka kumilatis ng isang tao, sa kabilang banda mahalaga ang maingat na paghuhusga sa taong hinuhusgahan mo dahil kung nagkamali ka ng panghuhusga mo ay mayroong malaking epekto ito sa taong hinusgahan mo, maaring mawala ang tiwala sa sarili ng taong hinuhusgahan mo, at kung pinairal mo naman ang mahalgang panghuhusga maaring may magandang resulta naman ito para sa kanya.

Mga maaring maging epekto ng hindi maingat na panghuhusga sa buhay ng isang tao.

  1. Ang maling panghuhusga ay maaring maka epekto sa self confidence ng taong iyong hinuhusgahan.
  2. Ang maling panghuhusga ay maaring magdulot ng kagulohan o away sa pagitan ninyo ng taong hinusgahan mo.
  3. Ang maling panghuhusga ay maaring makasira ng pagkakaibigan.
  4. Ang maling panghuhusga ay maaring magdulot ng pagkapahiya sa mga tao, sa taong hinusgahan mo.

  • Mas  mainam na laging gamitin ang maingat na panghuhusga sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon, upang maiwasan ang gulo at upang maiwasan din na makasira ka ng buhay ng isang tao, tandaan tayo ay tao lamang lahat tayo ay nagkakamali, imbis na manghusga ka ng kapuwa mo ay tulungan mo nalang siyang ituwid ang mga pagkakamaling nagawa ni kung meron man.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Kahulugan ng panghuhusga https://brainly.ph/question/357342

Bakit mahalaga ang maingat na panghuhusga sa kasaysayan https://brainly.ph/question/2012768

Saan binabatay ng konsensya panghuhusga

kung tama o mali ang kiloshttps://brainly.ph/question/1822275