Sagot :
Mga Halimbawa ng gawaing Pang-Industriya
Ilan sa mga halimbawa ng gawaing pang-industriya ay ang mga sumusunod;
- Pagkakarpentero sa tahanan at bilang hanapbuhay
- Pagkukumpuni ng mga sirang bagay o kasangkapan gawa sa kahoy
- Paggawa at pagtitinda ng mga gawang-kahoy na bagay tulad ng lamesa, upuan o mga ''wooden crafts''.
- Pag-ukit sa kahoy ( wood carving)
- Pagiging latero bilang hanapbuhay
- Paggawa sa mga naipon o na-recycle na mga metal at pagtitinda ng mga gawang-metal na bagay
- Paggawa at pagtitinda ng mga kasangkapan o kagamitan na gawa sa metal
- Pagiging elektrisyan sa tahanan at bilang hanapbuhay
- Konsultant na may kinalaman tungkol sa elektrisidad
- Paggawa at pagtitinda ng mga tinatawag na handicrafts tulad ng basket, sumbrero, bag at iba pang mga bagay na nabibilang sa mga gawaing-kamay.
- Paghahabi
Karagdagang kaalaman tungkol sa mga materyales na ginagamit sa mga gawaing pang industriya https://brainly.ph/question/2104672
Kung bibigyan ka ng pagkataon na magkaroon ng negosyo,anong gawaing pang-industriya ang nais mong tahakin?bakit? https://brainly.ph/question/2117557
Mga Uri ng Gawaing Pang-Industriya
- Gawaing Kahoy
- Gawaing Metal
- Gawaing Elektrisidad
- Gawaing Kamay o Handicraft
Ang mga halimbawa bilang 1-4 ay halimbawa ng gawaing kahoy, ang bilang 5-7 naman ay nabibilang sa gawaing metal, ang bilang 8-9 ay halimbawa ng gawaing elektrisidad at ang bilang 10-11 ay halimbawa ng gawaing kamay o handicraft.
Ano ang kahalagahan ng gawaing industriya https://brainly.ph/question/420707