Imperyalismo- ito ay isang paraan ng pamamahala kung saan ang mga makapangyarihang bansa ay naghahangad na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop ng mga bansa. Kinokontrol nila ang ang sistemang pangkabuhayan at pampolitika ng mga bansang kanilang nasakop.
Kolonyalismo- ito ay isang uri ng imperyalismo na tuwirang nananakop ng bansa upang makakuha dito ng kanilang mga pangangailangan. Maaaring maging pang-kalakal o pang-militar na base ang mga bansang nasakop.