Sagot :
Maingat na Paghuhusga:
Inilarawan ni Bernard Haring ang maingat na paghuhusga bilang "eyes of love".
Ayon kay Bernard Haring, ang maingat na paghuhusga ay ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang sa pananaw ng mga pagpipilian kundi sa pananaw ng makabubuti. Sa ganitong paraan, makikita ang kabuuang kalagayan at ugnayan ng ngayon, bukas, at ng kahapon. Gamit ang mata ng pag - ibig, ang tao ay mananatiling matapang, mahinahon, at makatarungan sa kanyang pagpapasiya. Nakahanda siyang tiisin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang minamahal. Paninindigan niya ang kabutihan sapagkat ito ang kukumpleto ng kanyang pagiging tao.
Ang mata ng pag - ibig ay hindi agad humuhusga na mali ang isa at tama naman ang isa. Tinitingnan nito ang kabuuan ng sitwasyon at ninanais ang mabuti para sa lahat. Sapagkat ang mabuting paghuhusga ay nagdudulot ng mabuting pasya. Sa kabuuan, ang maingat na paghuhusga ay kilos na nagpapalitaw ng mabuting nakakubli sa bawat sitwasyon at mga pinagpipilian. Ang maingat na paghuhusga ay pilit na inuunawa ang mga konstekto ng mga kaganapan. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang hindi agad mabulag sa mga nakasanayang ideya o konsepto ng tama at maliat makita ang kabuuan ng kwento. Ang mabuting paghuhusga ang magdadala ng mabuting pasya.
Keywords: paghuhusga, mata ng pag – ibig
Kahulugan ng Maingat na Paghuhusga: https://brainly.ph/question/2070488
#LetsStudy