iba pang kahulugan ng tagubilin

Sagot :

Answer:

Ang tagubilin ay nangangahulugang panuto o bilin. Ang mga ito ay utos o payo mula sa mga mas nakaaalam sa sitwasyon na kailangan nating sundin para magawa ng maayos ang mga bagay-bagay o kaya ay hindi malagay sa panganib.

Halimbawa:

Tagubilin ng magulang

  • Huwag kang magpapagabi sa daan para walang mangyaring masama sa iyo.
  • Mag-aral ka ng mabuti at huwag munang makikipagrelasyon.
  • Manalig sa Diyos.
  • Laging igalang at irespeto ang mga nakatatanda.
  • Huwag makikipag-away.

Pangungusap

  • Hindi kailanman kinalimutan ni Denis ang tagubilin sa kanya ng kanyang mga magulang.
  • Tandang-tanda pa niya ang tagubilin ng kanyang inang hindi dapat siya nakikipag-away.
  • Sinusunod lagi ni Theo ang tagubilin sa kanya kaya naman kinawiwilihan siya ng iba.

#BrainlyLearnAtHome

#AnswerForTrees