Malaki ang naging papel ng mga Bourgeoisie o Burgesya sa lipunan noon. Bilang panggitnang uri sa lipunan, ginamit nila ang kanilang propesyon at lumawak ang kanilang impluwensiya sa ekonomiya at naging makapangyarihan sila. Dumami ang mga ito sa panahon ng eksplorasyon.