Sa Silangang Africa matatagpuan ang Republika ng Kenya. Ang bansang ito ay pinapapalibutan ng Somalia sa may Hilagang-Silangan, Ethiopia sa Hilaga, Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran at Sudan naman sa may Hilagang Kanluran. Isa sa mga naiambag ng bansa sa mundo ng panitikan ay ang mayamang literatura nila na sumasalamin sa kanilang kultura, paniniwala at tradisyon.