Sagot :
Pagkakaiba ng Makroekonomiks at Maykroekonomiks
Ang pagkakaiba ng macroekonomics at maykroeconomics ay matutukoy batay sa mga saklaw nito. Pareho silang sangay ng ekonomiks ngunit ang pagkakaiba ay ang tinututukan o pinag-aaralan sa galaw ng ekonomiya.
Ang makroekonomiks (macroeconomics) ay sangay ng ekonomics na sumasaklaw tungkol sa pag-aaral sa galaw ng ekonomiya bilang isang kabuuan (as a whole economy) habang ang maykroekonomiks (microeconomics) ay sangay ng ekonomiks na sumasaklaw tungkol sa pag-aaral sa galaw ng ekonomiya batay sa bawat indibidwal, maliit na yunit ng lipunan o industriya.
Ang makroekonomiks ay tunkol sa mga ekonomiks na usapin tulad ng implasyon, paglaki ng kita sa nasyonal, rehiyonal o global na saklaw habang ang maykroekonomiks ay tunkol sa mga ekonomiks na usapin tulad ng paglaki ng kita ng isang industriya, indibidwal o maliit na yunit ng lipunan at surplus ng prodyuser at konsumer.
Ano ang pagkakaiba ng makroekonomiks at maykroekonomiks https://brainly.ph/question/574801
Ano ang halimbawa ng makroekonomiks at maykroekonomiks? https://brainly.ph/question/471018
Ano ang layunin ng makroekonomiks https://brainly.ph/question/1977645
#BetterWithBrainly