Ayon sa mga Ifugao ng Cordillera Mountains, si Maknongan ang
pinakadakilang diyos, tagalikha ng daigdig at ng tahanan ng mga sawi. Nilikha
din niya ang pinakaunang tao na si Uvigan at ang kasama nitong si Bugan. Ang
istorya ng pagkalikha ayon sa Ifugao ay katulad ng kwento ni Adan at Eba.