Sagot :
Nag alsa ang mga plebeians simula palang ng 494 BCE, nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinatawag na Banal na Bundok. Dahil sa takot ng mga patricians na mawalan ng mga mangagawa ay sinuyo nila ang mga plebeians. Upang mapabalik ay nagkaroon ng tatlong kondisyon ang mga plebeians. Ang mga kondisyong ito ay: pagpapatawad sa mga utang,palayain ang mga aliping nakulong dahil sa pagkakautang,at ang paghahalal ng plebeian ng mga tribune upang magtanggol sa kanilang karapatan. Pagpatak ng 451 BCE ay nagkaroon ng higit na karapatan ang mga plebeians dahil sa kanilang kahilingan,naisabatas din ang kauna unahang nasusulat na batas sa rome o ang 12 tables na nakasulat sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat..sa pamagitan nito ay nabawasan ang mga panlilinlang sa mga plebeians,makapag-asawa ng patricia,mahalal sa konsul at maging kasapi ng senado.