Tugmaang De- Gulong – Isang uri rin ng akdang patula na nagsasaad ng mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong Salawikain, Kasabihan, o maikling Tula. Karamihan ng mga uri ng tugmaang ito ay binuo ni Dr. Paquito Badayos.