Paano nagsimula ang rome?

Sagot :

ETRUSCANS Dumating sa Roma at sinakop ang mga Latinong tribo na namamalagi sa lugar Nagtalaga ng hari na siyang mamumuno sa lugar Nagpanatili ng pangkat na Latino ang hari na magsisilbing tagapayo, senado Ang lipunan ay nahati sa dalawang pangkat. Ang patricians o mayayaman at plebeians o mga Latino
Sa sinasabi ng mga Alamat, si Rhea Silva ay nagkaanak sa diyos na si Mars, ang anak ay kambal na sina Romulus at Remus. Gusto ng masamang tito nina R&R(Romulus at Remus) na si Amulius na maging hari siya sa kaharian ng kanyang kuya at ama ni Rhea Silva na si Numitor at dahil don linabanan niya ito at nagwagi at ipinakulong. Naging isang threat din si R&R at dahil sa rason na yon tinapon niya ang kambal sa ilog Tiber pero sinagip sila ni Lupa, isang babaeng lobo at isang tao na si Faustulus ay nakakita sa lahat at inampon sina R&R. Nagdaan din ang mga taon at nalaman din nina R&R ang totoo at sinalakay nila si Amulius at pinalaya si Numitor pero hindi pinili ni numitor na maging hari dahil matanda na siya at binigay ang kaharian sa dalawa niyang apo. hinati din ng dalawa ang kaharian at isang araw si Remus ay pumunta sa kaharian ni Romulus at tumalon sa kanyang mga "wall" at sinabi na mababa lang ito at mahina daw ang defense ng kaharian ni Romulus. Nagalit si Romulus at pinatay si Remus at kinuha ang kaharian niya at ipinagsanib ang dalawa at binigyan niya ng pangalan ang kaharian na ROME. Para magkaanak ang mga tao ng Roma kumuha siya ng mga babae sa tribong Sabine at binigay sa mga lalaki.

Ang Roma ay nagsimula ng maliit at mahina at dahil dun sinakop sila ng Etruscans(ang nagbigay sa kanila ng acqueducts at iba pa) ang Gauls at binasehan din nila ang Kultura nila sa Greece