Sagot :
Ako po'y Pitong Taong Gulang
Answer:
Sa kwentong “Ako po’y ay pitong taong gulang” naka sentro ang takbo ng kwento sa isang babae na nagngangalang “Amelia”. Nagmula sa isang mahirap na pamilya na kumakayod sa araw-araw na buhay, si Amelia ay ipinamigay ng kanyang mga magulang sa isang pamilyang may angking yaman. Siya ay patuloy na naninirahan sa bahay ng pamilya na iyon bilang isang utusan o isang yaya.
Tagpuan ng kwentong “Ako po’y Pitong Taong Gulang”:
- Isla ng Caribbean
- Bahay ng mayamang pamilya
Si Amelia ay ipinamigay ng kanyang magulang sa isang pamilya habang siya ang nasa edad na pitong taong gulang pa lamang. Gumigising si Amelia ng alas singko para makapag-igib at makapagluto ng pagkain para sa pamilya. Nahuli ng ilang oras si Amelia sa pagsasaayos ng pagkain kung kaya’t siya ay hinampas ng sinturon.
Maghahatid si Amelia ng anak ng kanyang mga amo sa paaralan. Siya ay mamimili, maglalaba, at maglilinis ng mga pinggan. Siya ay inutusang linisan ang paa ng kanyang amo, ngunit ito ay galit kaya’t sinampal siya nito.
Walang maayos na tulugan si Amelia, kung miminsan siya ay natutulog sa labas ng bahay, kung minsan naman ay sa sahig ng bahay. Wala din siyang maayos na kalinisan sa sarili at ang mga damit si Amelia at tagpi-tagpi na, dahil hindi siya pinapayagang gamitin ang mga tubig sa bahay. Hindi pinapayagan si Amelia na makapag-aral kung kaya’t hindi siya ang nakapagsulat ng mga pahiwatig na nasa kwento.
Si Amelia ayon sa kwentong “Ako po’y Pitong Taong Gulang”:
- Bungan ng mahirap na pamilya
- Naging utusan o katulong sa batang edad
- Naghihirap sa puder ng mayamang pamilya
Para sa mga iba pang aralin tulad nito, i-click ang mga link sa ibaba:
Buod ng ako poy pitong taong gulang: https://brainly.ph/question/458067
Tauhan ng ako po'y pitong taong gulang: https://brainly.ph/question/427227
Aral mula sa ako po'y pitong taong gulang: https://brainly.ph/question/452537