12. Ang sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang hindi dapat gawin? A. ang pagiging di makatotohanan ng pangyayari B. isang pangunahing tauhan lamang C. pagtalakay sa pinagmulan D. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 13. Kung ikaw ay magsusulat ng sariling alamat tungkol sa isang produkto na ang pamagat ay “Ang Alamat ng Mangga", alin ang angkop na simula ng iyong alamat? A. Ang mangga sa Visayas ay tinatawag na pahutan. B. May isang magsasaka na ang pangalan ay Mang Isko. C. Ang tagpuan ay sa isang malawak na bukirin. D. Sa isang malayong lugar sa Negros Occidental 14. Tinugunan at tinulungan nila ang mga taong may mga bahay malapit sa dalampasigan ng Bacjawan Sur at nailigtas nila mula sa mapaminsalang bagyo ang mga tagaroon, bata man o matanda. Ngunit sa kanilang pagbabalik sa evacuation area, isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay Rogelio na naging dahilan ng kaniyang pagkalaglag mula sa trak. Anong uri ng teksto ang binasa? A. naglalahad C. nangangatuwiran B. nagsasalaysay D. naglalarawan 15. Ano ang gawi o nakasanayang gawin ng mga taga-Visayas matapos magtrabaho buhat sa awiting-bayang "Si Felimon, Si Felimon"? Si Felimon, si Felimon Nangisda sa karagatan, Nakahuli, nakahuli Ng isdang tambasakan, Pinagbili, pinagbili Sa isang munting palengke Ang kaniyang pinagbilhan Pinambili ng tuba. A. umiinom ng tuba para mawala ang pagod B. umiinom ng tuba para makalimot C. umiinom ng tuba para makatakas sa asawa D. umiinom ng tuba para masunod ang bisyo