14. Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang ating buhay, at magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan. Bilang tanda ng pagmamahal sa ating kalikasan, alin sa mga sumusunod ang naaayon sa mensahe ng pahayag?
A. Magtipid sa paggamit ng ating kalikasan upang hindi ito maubos. B. Magtanim tayo ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha at mga "landslide" na maaring mangyari sa mga kalbong kabundukan. C. Iwasan din nating magtapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng mga isda. D.Kumilos na tayo habang may panahon pa na isalba ang biyayang binigay sa atin ng Panginoon