Panuto: Tukuyin kung alin sa mga komponent ng kasanayang komunikatibo ang ginagamit o kailangang gamitin ng mga tauhan sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang gramatikal, sosyo-lingguwistik, diskorsal, o strategic sa sagutang papel. 1. sI Lady ay sumusulat ng maikling kuwento. Isinasaalang-alang niya ang paggamit nang tama at angkop na salita para sa kaniyang akda katulad ng pagkakaiba sa gamit ng "rin" at "din".
2. Ang aking nakababatang kapatid na si Helen ay Inimbitahan bilang panauhing tagapagsalita sa Pavia National High School para sa Moving Up Ceremony ng Grade 10. Pinag-aaralan niyang mabuti kung paano niya mapag-uugnay-ugnay ang mga salita, parirala, at pangungusap upang makabuo siya ng makabuluhang talumpati .
3. Nag-uusap ang magkaibigang Joy at Jleza nang biglang dumaan ang dating kasintahan ni Joy. Siniko siya ni Jleza at tinuro ang kasamang babae ng dating kasintahan. Walang anumang salitang lumabas sa bibig ni Joy ngunit hindi nito malkubli ang kalungkutan dahil sa malungkot na ekspresiyon ng kaniyang mukha
4. Mula sa Iloilo ay lumipat ang pamilya ni Maricel sa Maynila. Unang araw ng pasukan ay nlyaya siya ng kaniyang mga kaklase na maglaro pagkatapos ng lunch break. Habang naglalaro ay tinawag ni Maricel ang kaniyang mga kalbigan sabay sabing "Tingnan nlyo, maraming pating pala dito." Nagtaka siya kung bakit biglang nagtawanan ang kanlyang mga kaibigan. Ang tinutukoy ni Maricel na pating sa Hiligaynon ay kalepati ngunit nakalimutan nlyang may iba pa palang kahulugan ito sa Maynila.