Answer:
Kabihasnan sa Lambak ng Indus
Ang lambak ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilagang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush. May ilang daanan o landas sa mga kabundukang ito tulad ng Daanang Khyber na nagsisilbing lagusan ng mga mandaragat, mandarayuhan at mananakop mula sa Kanlurang Asya at Gitnang Asya. Tulad ng Tigris at Euphrates na umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan, ang Indus at Ganges ay taunang umaapaw rin dahil sa parehong dahilan. Matapos humupa ang baha ay naiiwan ang bagong deposito ng banlik. Dahil dito, mataba at angkop sa agrikultural na pamumuhay ang kapatagang ito.