1.Sa Ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser.Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

A.Demand C.Produksyon
B.Ekwilibriyo D.Supply


2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng batas ng supply?

A. Lumalaki ang suplay kapag tumataas ang presyo
B. bumababa ang suplay kapag bumababa ang presyo
c. Lumalaki o kumakaunti ang suplay batay sa presyo
D.kapag tumataas ang presyo,dumarami ang suplay,kapag bumababa ang presyo kumakaunti ang suplay.​


Sagot :

Answer:

SUPPLY

KONSEPTO NG SUPPLY:

Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

BATAS NG SUPPLY:

Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Makatutulong ang mga link sa ibaba:

1. Ano ang iba't-ibang uri ng elasticity of supply? brainly.ph/question/762048

2. Anu-ano ang iba pang mga salik na nakaapekto sa supply? brainly.ph/question/762047