Basahin ang bawat pangungusap at isulat ang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi wasto. 1. Itinututing ng Estados Unidos na ang Benevolent Assimilation ang kauna-unahang opisyal na patakaran sa Pilipinas. 2. Ang mga Amerikano ay kilala sa pagtataguyod ng demokeasya kaya kinilala nila ang karapatan ng mga Pilipino. 3. Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay ang nagtadhana ng pagbibigay kasarinlan sa Pilipinas pagkatapos ng 10 taon 4. Ang Batas Jones ng 1916 ay isang batas na nagpaparusa ng kamatayan o matagal na pagkakakulong sa sinumang Pilipino na magsalita, magsulat laban sa Estados Unidos. 5. Pilipinisasyon ang tawag sa unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino. 6. Nahirang na kauna-unahang Gobernador Sibil ng Pilipinas at naging Pangulo ng Komisyon ng Pilipinas si William Howard Taft. 7. Ang Pamahalaang Sibil ay umiiral sa Kapuluan ng Pilipinas maliban sa Mindanao, Jolo at Sulu. 8. Binigyan ng pagkakataon ni Luke E. wright ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapalawak ang pakikilahok sa pamahalaan. 9. Ayon sa Batas Tydings-McDuffie kilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo 4 kasunod ng huling taon ng Pamahalaang Komonwelt. 10. Ang Partidong Nacionalista ang nagtataguyod ng lubusang pagsasarili ng mga Pilipino.