Answer:
1.Ang Alamat ng Mangga
Kaisa-isang anak nina Aling Nena at Mang Jose si Ricky. Mabait at matulungin siyang anak. Nagmana sya sa kanyang magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni Ricky iniuwi niya ang pulubi sa kanilang tahanan at ito'y kanyang ipinagluto at pinakain. Kinabukasan, habang nangangahoy si Ricky, may isang matandang babae naman ang nakita niya at ito'y mukhang gutom na gutom kung kaya't iniuwi din ito ni Ricky sa kanilang tahanan. Binihisan at pinakain niya ang matanda.
Makaraan ang isang buwan, nagkasakit si Ricky. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin si Ricky ay lalo pang lumubha ang kanyang karamdaman hanggang siya'y bawian na ng buhay. Ganoon na lamang ang pighati at dalamhati ang naramdaman ng mag-asawa ng mabawian ng buhay ang anak nilang si Ricky.
Kinabukasan habang naka-burol si Ricky may dumating na isang diwata at hiningi nito ang puso ni Ricky atsaka ibinaon ng diwata ang puso ni Ricky sa isang bundok. Ito'y naging isang punongkahoy na nagbubunga ng hugis puso at ngayon maraming nakikinabang ng bungang ito.