Tayain Natin (Ebalwasyon) Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang kontinenteng ito ay pinakamalaking kontinente sa buong daigdig sapagkat ito ay umaabot mula sa Arctic Hanggang lampas ng equator at ang tiyak na lokasyon nito ay 10°-175° East longitude. Ito ay ang kontinenteng _____. A. Asya B. Europa C. Hilagang America D. Timog America 2. Ito ang pinamalawak na masa o dibisyon ng lupa sa ibabaw ng daigdig. A. Asya B. Crust C. Mantle D. Kontinente 3. Ito ay distansyang angular na humahati sa hilaga at Timog Hemispero ng ekwador. A. Latitude C. Prime Meridian B. Longitude D. International Dateline 4. Saang rehiyon matatagpuan ang mga bansang Nepal, Bhutan, India? A. Timog Asya C. SIlangang Asya B. Hilagang Asya D. Timog-Silangang Asya 5. Paano nakatutulong ang mga linya sa globo sa paghahanap ng lokasyon sa mundo?. A. Natutukoy sa pamamagitan ng mga linyang ito ang eksaktong katangian ng isang lugar o bansa. B. Sa pamamagitan ng mga linyang ito mas madali at eksakto nating nalalaman ang lokasyon ng isang lugar C. Nagbibigay ito ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang lugar o bansa D. Lahat ng nabanggit 6. Ang mga sumusunod na bansa ay nabibilang sa kanlurang Asya maliban sa ______. A. Israel B. Maldives C. Turkey D. UAE 7. Ano ang tawag sa batayan ng paghahating heograpikal at kultural ng mga rehiyon sa Asya? A. Pona B. Sona C. Suma D. Iskolar 8. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal. Paano
isinasagawa ang paghahating ito?
A. Isinasaalang ang sukat at lawak.
B. Gamit ang batayang pisikal,kultural,historikal at politikal.
C. Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa.
D. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa.
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
B. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran sa mga tumutubong
halamanan.
C. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
D. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto atkabundukan.
10. Ang paghahating panrehiyon ay binuo ng tao batay sa pagkakapareho ng katangiang
heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Sa inyong palagay, bakit mahalagang tingnan
ang iba’t-ibang salik sa paghahati-hati ng kontinente tungo sa mga rehiyon.
A. Hindi mahalaga sapagkat pisikal lamang na katangian ang isinasaalang- alang sa
paghahati ng mga rehiyon.
B. Hindi mahalaga sapagkat ang pagkakahawig lamang ng lahi ang isinasaalang sa
pagkakahati ng mga rehiyon.
C. Mahalaga, sapagkat ang paghahati sa mga teritoryo tungo sa mga kontinente ng
rehiyon ay depende sa sariling pananaw ng geographer
D. Mahalaga sapagkat malaki ang papel na ginampanan ng pisikal na heograpiya sa mga
pananamit, tirahan, pagkain at sistema ng transportasyon.