Maraming paraan ang maari nating gamitin upang makapaghikayat ng kapwang tulungan ang nanganganib nating mundo gamit ang ating angking kahusayan sa Wikang Filipino. Bilang isang mag-aaral, maaari mong gamitin ang iyong kaalaman sa iba't-ibang uri ng akademikong pagsulat upang maipahatid ang nais mong mensahe sa iyong kapwa. Kabilang sa akademikong pagsulat na ito ay ang pagsulat nang isang tula, kwento, o sanaysay. Kung ikaw naman ay may kagalingan sa pakikipag-usap, maaari kang magsagawa nang brodkast o talumpati gamit ang iyong kaalaman sa wastong pagbigkas nang mga salita.