sumulat ng isang maikling liham pasasalamat para sa ating mga magigiting na bayani na nakikipaglaban para sa ating kasarinlan.

Sagot :

Answer:

LIHAM PARA SA MAGIGITING NA BAYANING PILIPINO

  • Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyong kabayanihang ipinakita para sa ating bayan. Ang iyong katapangan hindi man sa pamamagitan ng lakas ay naging napakalaking impluwensya hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang iyong kadakilaan ang siyang nagmulat sa mga sumunod na henerasyon upang maging matatag at huwag hayaang apakan ng ibang bansa.
  • Ako, bilang isang estudyante na nag-aaral ng iyong buhay ay lubos na humahanga sa iyo – sa iyong katalinuhan at katapangan. Ang iyong pagmnamahal sa ating bayan ay walang katulad sapagkat kaakibat ng pagmamahal na ito ay ang pagmamalasakit mo sa iyong mga kababayang nagdurusa.
  • Sa aking nalalapit na pagtatapos, sisikapin kong isabuhay ang mga aral na iyong ibinahagi sa aking buhay. Ang aking adhikain na makapagtapos ay may kinalaman hindi lamang sa nais kong ako ay magkaroon ng magandang buhay bagkus ito ay aking ginagawa para sa aking pamilya at upang makatulong ako sa mga mahihirap sa ating bansa. Hiling ko na sa simpleng bagay na ito ay mapasaya kita at masabi mo na hindi ka nagsisisi sa pagsabing…. “ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .