Magsaliksik ng impormasyon ukol sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron




please answer properly
nonsense= report​


Sagot :

Answer:

Ang iba't ibang variant ng COVID-19 ay maaaring umapekto sa bilis ng pagkalat ng virus, o kung gaano kalubha ang pagkakasakit ng mga tao mula sa virus.

Sa pahinang ito

Ang Delta variant

Ang Omicron variant

Pagpapabakuna

Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili

Likas na proseso para sa mga virus na magbago o mag-'mutate'. Ang COVID-19 virus ay nagbago sa paglipas ng panahon habang bumabagay ito sa mga tao. Humantong ito sa pagkakaroon ng mga bagong variant ng virus, kabilang ang Delta at Omicron.

Ang iba't ibang variant ng COVID-19 ay maaaring umapekto sa bilis ng pagkalat ng virus, o kung gaano kalubha ang pagkakasakit ng mga tao mula sa virus.

Ang Delta variant

Ang Delta variant ay mabilis na kumalat sa buong mundo Ang mga tao na nahawahan ng Delta ay:

maaaring magkaroon ng mas malubhang sakit na COVID-19 kumpara sa iba pang mga variant ng virus

mas nanganganib na mangailangan ng pagpapaospital

tila nagdadala ng mas marami pang virus (may mataas na dalang virus) at dinadala ito sa mas mahabang panahon kumpara sa iba pang mga variant

maaaring walang sintomas (asymptomatic) habang nakahahawa

Pagbabakuna at ang Delta

Ang lubos na pagbabakuna ay nagbibigay sa iyo ng mataas na antas ng proteksyon laban sa impeksyong Delta, at mas mataas pang antas ng proteksyon laban sa malubhang mga karamdaman, pagpapaospital at pagkamatay.

Ang bisa ng dalawang dosis ng bakunang Pfizer laban sa sakit na may mga sintomas ay 64–95%. ang bisa ng dalawang dosis ng bakunang Pfizer laban sa pagpapaospital o malubhang karamdaman sanhi ng impeksyong Delta ay halos 90–96%.

Ang Omicron variant

Ang Omicron ay unang natuklasan noong Nobyembre 2021 at itinuring ng World Health Organization na isang nakakabalisang variant. Mabilis itong kumalat sa buong mundo at sa ngayon ay nasa mahigit 70 bansa. Ipinapahiwatig ng maagang ebidensya na ang Omicron ay malamang na mas nakakahawa kaysa sa nakaraang mga variant ng COVID-19 virus, kabilang ang Delta.

Patuloy pa rin naming pinag-aaralan ang tungkol sa variant ng virus na ito. Ipinapahiwatig ng maagang mga ulat na kumpara sa Delta:

ang Omicron ay mas nakakahawa

ang Omicron ay maaaring magdulot ng kaparehong mga sintomas, ngunit kailangan pa rin ng mas maraming datos

ang Omicron ay may kaparehong dami ng pagpapaospital, ngunit kailangan pa rin ng karagdagang impormasyon upang malaman ang kalubhaan ng karamdaman.

Pagbabakuna at ang Omicron

Ang maagang pagsusuri ay nagpapahiwatig na ang bakunang Pfizer ay nagbibigay ng kaunting proteksyon laban sa sakit na may mga sintomas na sanhi ng Omicron, ngunit ang proteksyong ito ay humihina sa paglipas ng panahon. Ang dosis ng booster ng bakunang Pfizer ay nagpapahusay sa proteksyon.

Alamin ang tungkol sa mga dosis ng booster

Pagpapabakuna

Ang bakuna laban sa COVID-19 ay libre, boluntaryo at makukuha ng lahat sa New Zealand na may edad na 5 taon pataas. Hindi mahalaga kung ano ang iyong visa o katayuan ng iyong pagkamamamayan.

Bumisita sa Book My Vaccine(external link), o tawagan ang COVID Vaccination Healthline sa 0800 28 29 26 upang mag-book. Lahat ng mga tawag ay libre, at ang pangkat ay makakausap mula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, 7 araw isang linggo. Maaari kang humiling ng interpreter kung kailangan mo nito.

Walang bakuna na 100% na mabisa, kaya may tsansa pa rin na ang isang nabakunahang tao ay mahawahan ng Delta variant at magpasa ng virus sa ibang tao. Kaya, kailangang gamitin natin ang lahat ng mga hakbang, kasama na ang pagbabakuna, upang protektahan ang ating sarili at ang ating mga komunidad laban sa pagkakasakit.

Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili

Ang maagang pagtuklas ng mga kaso, contact tracing, at pagbubukod ng mga kaso at ng kanilang mga kontak ay mahalaga sa pagpigil sa pagkalat ng lahat ng mga variant ng COVID-19.

Mahahadlangan natin ang anumang mga paglaganap sa komunidad nang mabilis hangga't maaari sa pamamagitan ng:

Pagsunod sa mga tuntunin ng ilaw-trapiko.

Pagsusuot ng mga panakip sa mukha kapag inutusan kang gawin ito ng mga tuntunin ng Alert Level.

Pagpapanatili ng 2m pisikal na distansya hangga't maaari.

Pananatili sa bahay kung ikaw ay may mga sintomas ng COVID-19 at tawagan ang Healthline sa 0800 358 5453 para sa payo tungkol sa pagpapasuri.

Pagsubaybay kung saan-saan ka nagpunta sa pamamagitan ng paggamit ng NZ COVID Tracer app upang mag-scan ng mga QR code, o sa pamamagitan ng detalyadong pagtatala.

Pagpapagana ng Bluetooth tracing sa NZ COVID Tracer app.

Explanation:

hope this helps pwede ka pumili or skip mo po