Sagot :
Ang Patakarang pang-salapi (Ingles: Monetary policy) ay isang proseso kung saan ang autoridad na pang-salapi ng isang bansa ay kumokontrol sa suplay ng pera na kadalasang umaasinta o pumupuntirya sa isang rate ng interes para sa layuning pagtataguyod ng paglagong ekonomiko at pagiging matatag.[1][2] Ang opisyal na mga layundin ay karaniwang kinabibilangan ng relatibong matatag na mga presyo at mababang kawalang trabaho. Ang teoriyang pang-salapi ay nagbibigay ng kabatiran kung paano lumikha ng optimal na patakarang pang-salapi. Ito ay tinutukoy na isang kontraksiyonaryo kung saan ang patakarang ekspansiyonaryo(nagpapalawig) ay nagpapataas ng kabuuangsuplay ng salapi sa ekonomiya ng mas mabilis kesa sa karaniwan at ang patakarang kontraksiyonaryo(nagpapaliit) ay nagpapalawig ng suplay ng salapi ng mas mabagal kesa sa karaniwan o kahit pinapaliit ito. Ang patakarang ekspansionaryo ay karaniwang ginagamit upang labanan ang kawalang trabaho sa isang ressyon sa pamamagitan ng pagbababa ng rate ng interes sa pag-aasang ang madaling kredito ay hihikayat sa mga negosyo na lumawig. Ang patakarang kontraksiyonaryo ay nilalayon na pabagalin anginplasyon sa pag-aasang maiiwasan ang nagreresultang mga distorsiyon at paglala ng mga halaga ng asset.Ang patakarang pang-salapi ay iba sa patakarang piskal(fiscal policy) na tumutukoy sa pagbubuwis, paggasta ng pamahalaan, at pag-utang ng pamahalaan. [3]