buod ng kwentong ang ama ni Mauro R. Avena

Sagot :

Ang Ama

ni Mauro R. Avena

Kapag naghihintay ang mga bata sa kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa at hindi nagbibigay.

Ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Ang mga bata

Anim lahat ang mga bata.

  1. Ang pinakamatanda ay isang lalaki 12 anyos
  2. Isang babae 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit.
  3. Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos
  4. Isang maliit na babae, 8 anyos
  5. Isang 2 anyos na maliit pa lamang.

Lahat ng mga bata ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag-aagawan. Sa paulit-ulit na ginagawa ito ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng pansit guisado at kanila itong pinagsaluhan. Isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na  makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito at dumapo sa kanilang mukha.madalas na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba.

May isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang mui mui alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at itoy sisigaw kapag di pa huminto itoy lalapit at hahampasin ng buong lakas

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho sa lagarian at hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at nahimasmasan ito ng ina si mui mui dahil sa malamig na tubig 

Pagkamatay ng Anak

Pagkaraan ng 2 araw ay namatay c mui mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na nagmumukmok. May isang babae na umiikot upang mangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad ng ama na  nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong lasing.

Ang Pagsisisi

Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot  namay mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto di nagtagal lumabas ito kinuha nito ang malaking supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod  lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot  at kanya itong inilapag sa puntod  madilim na ang langit at malapit na itong umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag-iyak.

Karagdagang Impormasyon

  • Para sa talambuhay ni Mauro R. Avena, tingnan ang link na ito: https://brainly.ph/question/101290
  • Buod ng Kwento ng Ang Ama: https://brainly.ph/question/577101
  • Paglalarawan ng ama sa Kwentong Ang Ama: https://brainly.ph/question/103366