kahulugan ng palaka,cherry blossom at taglagas


Sagot :

Ang palaka sa Japan ay mula sa salitang hapon na "kawazu" na ang ibig sabihin ay ang pagpapahiwatig ng tagsibol. Sa tagsibo sa bansang Japan ay maraming mga pagbabagong nararanasan ang mga Hapon sapagkat panahon ito ng pamumukadkad ng mga cherry blossoms o sakura. Ang cherry blossoms ay mahalagang bahagi ng kasaysayan at kultura ng Japan sapagkat noong panahon ng digmaan ay nagsisilbi o sumisimbolo ito ng inspirasyon o pag-asa ng mga sundalong Hapon. Nakaguhit ang mga cherry blossoms sa mga watawat, eroplano at insignia ng mga Hapon bilang pagkilala nito. Iniuugnay din ito sa samurai at bushi kung kaya't itinuturing itong mahalagang simbolismo ng bansa. Sumisimbolo din sa pagkakaroon ng mga bagong kasiyahan kapag panahon na ng taglagas sa Japan. Tinatawag nilang "naghahanap ng mga kulay ng taglagas" ang mga kasiyahan sa taglagas na dahilan kung kaya't mas hinahangaan nila ang kanilang sining.