Sagot :
Ang ibig sabihin ng Sanhi o Cause sa salitang Ingles ay ang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ang ibig sabihin ng Bunga o Effect sa salitang Ingles ay ang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang Sanhi at Bunga:
- dahil sa
- sapagkat
- nang
- kasi
- buhat
- mangyari
- palibhasa
- kaya
- resulta
- sanhi
- epekto
- bunga nito
- tuloy
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Mga panandang ginagamit sa hulwarang Sanhi at Bunga tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/32627
Halimbawa ng Sanhi at Bunga:
- Sanhi: Hindi siya natulog ng maaga Bunga: Kaya nahuli siya sa Klase
- Sanhi: Hindi niya tinitignan ang kanyang dinaraanan Bunga: Kaya nahulog siya sa kanal.
- Sanhi: Pinag-aralan niyang mabuti ang kanyang leksyon kagabi Bunga: kaya nakakuha siya ng mataas na marka.
- Bunga: Masaya si Aling Mila Sanhi: dahil mababait ang kanyang mga anak.
- Bunga: Kakain ako ng marami Sanhi: Para maging malakas
- Bunga: Pinuri ni G. Avanzado ang kanyang mga mag-aaral Sanhi: Kasi tumutulong sila sa mga nasunugan.
Para sa dagdag kaalaman ukol sa halimbawa ng Sanhi at Bunga tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/785971
Sanhi at Bunga ng Paninigarilyo
Sanhi ng Paninigarilyo
- Kaisipan na ang paninigarilyo ay nakakapayat.
- Peer pressure o Pamimilit ng mga kaibigan.
- Kawalan ng magagawa o bored
Bunga ng Paninigarilyo
- Lung Cancer o Kanser sa Baga
- Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)
- Sa mga buntis, magdudulot ng maagang panganganak o abnormalities sa sanggol
- Pangungulubot ng Balat
- Maaring mastroke
Para sa dagdag kaalaman ukol sa Sanhi at Bunga ng Paninigarilyo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/508936