Ang Alamat ng Waling-Waling ay tungkol sa isang rajah na ang ngalan ay Solaiman, na binigyan ng isang sundang at sinasabi rin na hindi na tatablan ng kahit anong uri ng patalim o armas.
Si Solaiman ay nakatagpo ng isang dilag na nakatira sa tuktok ng puno ng Lauan na ang ngalan ay Waling-Waling. Ang dilag ay may angking ganda na siyang bumighani sa rajah.
Ngunit bago pa man makababa si Waling-waling sa puno ay siya ay tinamaan ng liwanag ng buwan na mas lalo pang nagbigay ng ganda sa kanya. Sa isang iglap, nabalot ng liwanag ang kagubatan at unti-unting lumiit ang katawan ni Waling-waling at tila naging bulaklak na nakasabit sa puno ng Lauan.