Sagot :
Halimbawa ng Konkreto at Di Konkretong Pangngalan
Ang konkreto at di konkretong pangngalan ay ang dalawang uri ng pambalana. Ang ilang halimbawa ng mga ito ay ang mga sumusunod:
Konkretong Pangngalan
- sapatos
- libro
- pinggan
- tinapay
- lapis
- asin
- itlog
- ibon
- pusa
- kalan
- tubig
- isda
- telebisyon
- walis
- kurtina
Di Konkretong Pangngalan
- katapangan
- kapayapaan
- talino
- kasipagan
- kagandahan
- enerhiya
- buhay
- tiwala
- katapatan
- dedikasyon
Ano ang pambalana?
Ang pambalana ay isang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay hindi tiyak o partikular. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik. Ang dalawang uri nito ay konkreto at di konkreto.
Ang konkretong pangngalan ay ang uri ng pambalana na nakikita, nahihipo o nahahawakan. Ginagamitan ito ng pandama upang bigyan ng pansin. Ang di konkretong pangngalan naman ay ang uri ng pambalana na nararamdaman lamang. Hindi ito nahihipo o nahahawakan.
Ano ang pantangi?
Ang pantangi naman ang isa pang uri ng pangngalan. Ito ay patungkol sa isang tanging tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ang ngalan nito ay tiyak at partikular. Ito rin ay nagsisimula sa malaking titik. Narito ang ilang halimbawa:
- Boracay
- Jose Rizal
- Ati-Atihan
- Mongol
- Toyota
- Nike
- Manila
- Samsung
- Alaska
- Colourette
Kayarian ng Pangngalan:
https://brainly.ph/question/1746425
#LearnWithBrainly