sinaunang pamumuhay ng mga asyano


Sagot :

PAMUMUHAY NG MGA ASYANO NOON

Uri ng Hanapbuhay sa Asya

1. Batay sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP), ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Asya noon ay ang:

• pagtatanim ng mga hilaw na sangkap (agrikultura)

• paggawa ng produkto (industriya)

• at pagbibigay ng serbisyo.

2. Noong 2009, 41% ng mga Asyano ay nabubuhay sa pamamagitan ng agrikultura. Ito ang pinakamalaking sektor ng kabuhayan sa rehiyon, partikular na sa Timog-Silangang Asya at sa Timog Asya.

3. Ang paggawa naman ng produkto o industriya ay pangunahing kabuhayan ng mga taga-Tsina, Hapon, at Timog-Korea. Mauunlad ang mga bansang ito at nangunguna sa sektor na ito sa buong rehiyon at maging sa daigdig.

4. Sa mga nakaraang taon ay unti-unti namang umunlad ang sektor ng pagbibigay ng serbisyo sa Asya. Ang pagsulpot ng mga kompanya ng Business Process Outsourcing (BPO) ay nagbigay ng trabaho sa mga mamamayan ng Asya, lalo na sa India at Pilipinas.

5. Sa pagsulat ginamit nila ang cuneiform

6. Gumagamit sila ng apoy upang magluto ng mga pagkain at mapatay ang mga mikrobyo na nasa pagkain.

7. Tanso o metal ang kanilang pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan.

Lakas Paggawa at Kita ng Bansa sa Asya

Ang lakas paggawa at kita ng bansa ay mainam na panukat sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga bansa sa Asya.

Lakas Paggawa at Hanapbuhay

• Ang mga Asyanong may hanapbuhay ay iyong bahagi ng gitnang populasyon o mga Asyanong nasa 15 hanggang 64 taong gulang. Sila ang tinatawag na lakas paggawa ng isang bansa.

• Ang lakas paggawa ay ang mga taong may kakayahang makapagtrabaho para mapaunlad ang kanilang mga sarili at matugunan ang kani-kanilang mga pangangailangan. Nahahati ito sa dalawa---may trabaho at walang trabaho.

• Kung malaking bahagi ng lakas paggawa ay may trabaho o hanapbuhay, masigla ang ekonomiya ng isang bansa.

• Kung malaking bahagi ang walang trabaho, nangangahulugan itong mabagal o walang pag-unlad ang bansa.

• Mayroon ding mga mamamayan na nakakakuha ng trabahong hindi angkop sa kaniyang kaalaman at kakayahan. Underemployment ang tawag dito. Madalas na napipilitan silang tumanggap ng hindi angkop na trabaho dahil sa kakulangan ng angkop na trabahong mapapasukan.

Kita ng Bansa at Gross National Income

• Ang antas ng kaunlaran at sigla ng ekonomiya ng isang bansa ay nasusukat sa kabuuang produksiyon ng lahat ng sektor ng ekonomiya.

• Ang Gross National Income (GNI) ay ang pangkalahatang kita ng isang bansa batay sa mga produktong ginawa at serbisyong ipinagkaloob ng mga mamamayan ng bansa sa loob ng isang taon.

• Mataas ang GNI ng mga bansang mauunlad at mayayaman. Halimbawa, ang bansang Hapon, Qatar, Singapore, at Brunei ay may mataas na GNI.

• Mababa naman ang GNI ng mga bansang may mahinang ekonomiya. Ang Tajikistan, Hilagang Korea, at Afghanistan ay mga bansang mababa naman ang GNI.

Antas ng Pagkatuto at Migrasyon

Isa ring panukat sa kaunlaran ng isang bansa ang migrasyon at antas ng pagkatuto ng populasyon nito.

Functional Literacy

• Kailangang matutong magbasa , magbilang at magsulat ang mga mag-aaral noon upang maging kapaki-pakinabang at makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Ano ang epekto ng kalagayan,kalikasan ng mga sinaunang pamayanan at estado sa pamumuhay ng mga asyano noon at sa kasulukuyan

brainly.ph/question/445087

brainly.ph/question/388725

hbrainly.ph/question/1330216