Sagot :
Mga Tagpuan ng Niyebeng Itim na isinulat ni Liu Heng
- Red Palace Photo Studio - ito ang lugar kung saan nagpakuha ng litrato si Li Huiquan upang gamitin sa pagkuha ng lisensya sa kariton
- Kalye - ito ay inilarawan bilang lugar na pinuntahan nila ni Tiya Luo; narito ang komiteng pinagpasa-pasahan sila sa pagkuha ng lisensya para sa kariton
- East Tsina Gate Consignment Store - ito ang lugar kung saan siya nakakita ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasakyan
- Gongsi at Chaoyong Gate Boulevard - ito ang lugar kung saan niya dinala ang kanyang sasakyan mula sa East China Gate; sa labas nito ay mayroong pagawaan ng bisikleta kung saan siya bumili ng ilang parte para sa kanyang sasakyan
- East Lane ng Kalye Spirit Run - ito ang lugar na kanyang pinatunguhan at kung saan itinulak niya ang kanyang sasakyan mula sa Chaoyong Gate Boulevard
Mga Tauhan ng Kwento
- Li Huiquan - siya ay isang dating bilanggo na nakalaya ilang araw bago ang bisperas ng Bagong Taon; sa kanyang pagsusumikap magbagong buhay ay naisipan niyang magtinda ng damit para mabuhay sa sarili
- Tiya Luo - siya ang tumulong kay Li Huiquan upang magkaroon ng trabaho at magbagong buhay; dinala niya si Li Huiquan sa kalye kung saan sila nakatakdang kumuha ng lisensya para sa karitong gagamitin sana sa pagtitinda
- Hepeng Li/ Tiyo Li - isang matabang mama na nakabangga nila sa compund ng gobyerno; siya ang nagbigay ng lisensya kay Li Huiquan para makapagtinda
Ang Niyebeng Itim ay isang nobelang isinulat ni Liu Heng. Si Liu Heng ay isang manunulat mula sa bansang Tsina na ipinanganak noong Mayo 1954. Bago siya naging isang propesyonal na manunulat noong 1970’s, siya ay nagtrabaho bilang magsasaka, trabahador sa pabrika, at sundalo. Ang Niyebeng Itim ay nakasalin sa Ingles bilang Black Snow: A Novel of the Beijing Demimonde. Ito ay kanyang isinulat noong 1993.
Ang nobelang ito ay isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra. Siya ay tinaguriang isang matinik na haligi at istoryador ng panitikan, kritiko, sanaysay, at tagasalin. Siya ang utak sa pagsulong ng UP Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Ilang pang mga nobela at kuwento na isinulat ni Liu Heng
- Green River Daydreams: A Nove;, 2001
- Grain, 1990
- The Heated Earthen Bed, 2005
- The Obsessed, 1991
Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang mga sumusunod:
- Buod ng kwento: https://brainly.ph/question/61278
- Mga tauhan: https://brainly.ph/question/61266
- Aral ng kwento: https://brainly.ph/question/481751