Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa elemento nito?

Sagot :

Nobela:

Ang nobela ay naiiba sa iba pang uri ng akdang tuluyan sapagkat ito ay nagtataglay lamang ng tatlong elemento na nagpapakilala ng kultura at kaugalian ng isang bansa.

Ang tatlong elemento ng nobela ay: ang kuwento o kasaysayan, isang pag - aaral, at paggamit ng malikhaing guni - guni. Sapagkat ang pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, ito rin ay nakagagawa ng paraan upang magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay, o magbigay ng isang aral, sinisikap ng isang nobelista o manunulat na gawing magkakaugnay ang mga pangyayari ng bawat kabanata. Ang paglalarawan ng mga tauhan ay ginagawang makatotohanan at buhay na buhay. Ang mga tauhan ay gumagalaw ng kusa tulad ng pagluha, pagtataksil, nalulugod, nagtatapat, tumatangkilik, o nang - aapi alinsunod sa kanilang lakas, hangarin, at mga taong nakapalibot sa kanila.

Keywords: nobela, elemento

Kahulugan ng Nobela: https://brainly.ph/question/2760993

#BetterWithBrainly