ano ang ibig sabihin ng paninindigan?


Sagot :

Answer:

Paninindigan

Ang paninindigan ay sinasabing dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Ito ay ang ganap na pagtupad sa isang ideya o pagiisip, o pagtupad sa isang pangako. Ito rin ay ang pagkakaroon ng responsibilidad o prinsipyong may pagtitiwala sa sarili sa nagawang desisyon.

Mga Halimbawa ng Paninindigan

  • May lakas ka ng loob at tiwala sa nagawa mong desisyon o pagpapasiya. Handa ka sa mga kahihinantnan o magiging resulta ng iyong desisyon.
  • Kapag may napili kang isang taong mamamahalin, dapat may paninindigan ka at handa mong ipaglaban ang iyong nararamdaman para sa kanya kahit may mga taong hahadlang sa inyong pagmamahalan.
  • Sa pag-aaral, matuto kang maninidigan sa napili mong kurso sa kolehiyo, magsumikap na makapagtapos para maabot ang mga mithiin at pangarap.
  • Sa pamilya, matutong manindigan sa mga desisyon ng pamilya. Maging ang mga desisyon ng mga magulang na makakapagpabuti sa kalagayan ng kanilang mga anak.
  • Sa pamahalaan, maninindigan sa mga batas at kautusang ginawa ng mga tagapagbatas o gumagawa ng batas.
  • Kung napagbintangan sa hindi nagawang kasalanan, maninidigan sa iyong prinsipyo at ipagtanggol ang sarili.
  • Kapag nakagawa ng kasalanan, maglakaas loob na aminin ito at maging handa sa anumang kaparusahan.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na;

Halimbawa ng paninindigan: brainly.ph/question/2399552

Mga prinsipyo sa buhay: brainly.ph/question/773162

#BetterWithBrainly