gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang pamumuno at pagsunod sa isang pangkat?

Sagot :

Sa sistema ng pamunuan, tunay na napakahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang pamumuno sapagkat ito ang napakahalagang pundasyon sa isang matatag at mabuting pamunuan. Dahil ang mapanagutang pamumuno ay ang responsableng pamumuno--- kung saan ang pinuno ay may sapat na kakayahan, kaalaman at may epektibong panghihikayat sa iba pang indibidwal sa paggawa ng iisang layunin. Sa kabilang banda, ang maayos na pamumuno ay mawawalan ng saysay kung ang mga tagasunod nito ay di kumikilos ayon sa kabutihang panglahat. Samakatuwid, napakahalaga ang ginagampanan ng pinuno pati na rin ang mga tagasunod nito sa isang matatag at napakagandang  sistema ng pamumuno.
kasi ang isang pinuno ay dapat may integredad, sense of responsibility at malawak na pag-iisip (other words mapanagutang pamumuno) makukuha niya ang respeto ng kaniyang pinammunuan, resulta nito, sila ay susunod sa kaniya at magkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng lider at kasapi ng isang pangkat.