Sa panahong ito,ang mga unang tao ay nabuhay sa pangangaso at pangunguha ng mga halamang-ligaw na makakain nila.Palipat-lipat sila sa paghahanap ng pagkain. May mga kasangkapang bato sila na maaaring inihampas,ipinukpok o tinapyas nila ayon sa panggamitan ng mga ito.