Sagot :
Pagdating sa usapang ekonomiks, ang mga prodyuser ay kinakailangang maging mapanagutan. Kaugnay nito, narito ang halimbawa ng slogan tungkol sa "Ang Mapanagutang Prodyuser":
"Ang prodyuser ay kailangang maging responsable at mapanagutan,
upang ang kapaligiran at mga konsyumer ay hindi masaktan."
Kahulugan ng Prodyuser
Sa usapang ekonomiks, ang prodyuser ay parte ng pamilihan.
- Ang prodyuser ay ang nagbibigay ng suplay ng isang produkto o serbisyo sa pamilihan upang bilhin ng mga konsyumer.
- Dahil mahalaga ang parte ng mga prodyuser, kailangan silang maging mapanagutan.
Slogan tungkol sa "Ang Mapanagutang Prodyuser"
Ang halimbawa ng slogan tungkol sa "Ang Mapanagutang Prodyuser":
"Ang prodyuser ay kailangang maging responsable at mapanagutan,
upang ang kapaligiran at mga konsyumer ay hindi masaktan."
- Ang slogan na ito ay nagbibigay ng empasis sa obligasyon ng mga prodyuser na maging mapanagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng kapaligiran at mga konsyumer.
- Ang halimbawa ng pagiging mapanagutan ng isang prodyuser ay ang paggamit ng mga kagamitan na hindi nakasasama sa kapaligiran, kagaya ng mga plastic.
- Bukod pa rito, ang isang halimbawa rin ng pagiging mapanagutan ng isang prodyuser ay ang paggamit ng mga wastong sangkap, timbang at presyo na nakabubuti para sa mga konsyumer.
Iyan ay ang halimbawa ng slogan tungkol sa "Ang Mapanagutang Prodyuser". Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:
- Paano gumawa ng slogan? https://brainly.ph/question/1873181 at https://brainly.ph/question/611899
- Ano ang halimbawa ng slogan? https://brainly.ph/question/940115