ano ang simula ng kwentong ang matanda at ang dagat ?

Sagot :

Answer:

Ang matanda at ang dagat ay isinalin mula sa original na ingles na " The Old man and the sea na isinulat ni Ernest Hemingway. At ito ay isinalin ni Manuel Santiago sa tagalog. Ang kwentong matanda at ang dagat ay isang nobela

Simula

1. Naglalayag ng maayos ang matandang nag ngangalang Santiago, sa kanyang paglalayag  ibinaba niya  ang kanyang kamay sa tubig-alat at kanyang sinikap na linawin ang kanyang isip.

2. Mataas ang ulap dahil ito ay cumulus clouds at may sapat na cirrus clouds kaya alam ng matandang si Santiago na tatagal ang magandang simoy sa magdamag.

3. Tinititigan ng matandang si Santiago ang isda  ng halos isang oras upang makatiyak na totoo ito at pagkatapos ng isang oras siya ay dinunggol ng pating.

4. Pumaimbabaw ang pating mula sa kalaliman ng tubig na isang milya ang lalim at habang tumitining ang tubig ay kumakalat ang dugo sa dagat. Siya ay pumaimbabaw sa ibabaw ng asul ng tubig at siya ay nasinagan ng araw.

5. At pagkatapos nito ay muli siyang bumalik sa tubig at nagsimulang lumangoy patungo sa direksyon ng bangka at isda.

6. Ayon sa kwento ang pating ay may sumusunod na katangian

  • Ito ay isang pinakalamaking pating
  • Ang tawag sa kanya ay mako na kung saan ito ay isang uri ng pating na itinuturing na pinakamabilis na isda sa dagat.
  • napakaganda ng kanyang kabuuan maliban sa pangang dambuhala
  • Ang kulang ng  kanyang likod ay kasing asul ng isdang-espada.
  • kulay pilak ang kanyang tiyan at madulas
  • makisig ang kanyang balat
  • May walong hanay na ngipin na kahugis ng daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit, na kasing haba halos ng mga daliri ng matanda. Singtalalas naman ng labaha ang talim ng kanyang ngipin sa magkabilang gilid.
  • Ang mako na pating ay isdang nilikha upang kumain sa lahat ng isda sa dagat.
  • Ang pating na ito ay armadong armado kaya wala silang sinumang kaaway sa dagat.
  • Ang kanyang palikpik sa likod ay humiwa sa tubig.

7. Nang makita ng matanda na paparating na ang pating ay kanyang inihanda ang kanyang salapang at hinigpitan ang lubid habang kanyang pinagmamasdan ang paglapit ng pating.

8. Malinaw at matino ang kanyang isip ngunit halos walang pag-asa. At habang lumalapit ang pating ay kanyang naisip na sana ay panaginip lamang ang nangyayari sa kanya.

Matanda at ang dagat basahin sa:

brainly.ph/question/430529

brainly.ph/question/490359

Ano ang isipan ang matanda at ang dagat

brainly.ph/question/445113