Ang salitang Patrician ay unang ginamit sa sinaunang Roma subalit hango ito mula sa isang Latin na salitang Patricius. Ito ay nangangahulugang grupo ng mga pamilyang namumuno sa panahon ng sinaunang Roma. Ang panahong ito ay pinamumunuan ng mga Patrician at Plebians subalit higit na makapangyarihan ang ipinagkaloob sa mga Patrician sa larangan ng kapangyarihan sa gobyerno. Dahil sa hindi pantay na kapangyarihan, nagdulot ng kaguluhan sa dalawang panig na nagbunga ng malaking pagbabago sa pamamahala ng Roma sa sinaunang panahon.
#BetterWithBrainly
Paliwanag ukol sa mga Plebians:
https://brainly.ph/question/945903 (nakasalin sa wikang Ingles)