paano nagsimula ang kasaysayan ng kabihasnang mesopotamia?

Sagot :

Answer:

Paano nagsimula ang kasaysayan ng kabihasnang mesopotamia?

Ang mga sinaunang kabihasnan na umusbong sa Asya ay mauunlad at kilala sa mga naging ambag ng mga ito sa mga sibilisasyon sa buong mundo.

Mayroong tatlong pangunahing kabihasnan na umusbong sa panahon ng Sinaunang Asya ito ay ang:

1. Kabihasnang Sumer sa Kanlurang Asya  

2. Kabihasnang Indus sa Timog Asya

3. Kabihasnang Tsina sa SIlangang Asya

Sinaunang Kanlurang Asya

• Ang Kanlurang Asya ay kilala noon bilang "Malapit na Silangan" o Near East. Ito ay batay sa pananaw ng mga Europeo na unang naglakbay sa labas ng kanilang kontinente para tumuklas ng mga bagong lupain.

• Ang Mesopotamia (o bahagi ng kasalukuyang Iraq) at Saudi Arabia ay mga bansang may mayaman at maunlad na sinaunang kasaysayan.

Kabihasnang Sumer

• Ang Kabihasnang Sumer ay umusbong sa lambak ng Mesopotamia sa pagitan ng mga Ilog Tigris at Euphrates, na ngayon ay kilala bilang bansang Iraq.

• Kilala ito sa tawag na Fertile Cresent. Itinatag ito ng mga Sumerian noong 3,500 B.C. dahil hugis cresent ang matabang lupang nasasakupan nito.

• Mula rito ay umusbong din ang mga sibilisasyon ng Akkadia, Babylonia, Hittite, at Assyria.

• Iba't ibang pangkat ng tao ang naninarahan at sumakop dito.

Mesopotamia

3500 B.C.

• Ang mga Sumerian ang unang nagtatag ng lungsod-estado ng Ur sa Mesopotamia. Pinaunlad nila ang kanilang pamayanan hanggang sa maging ganap na itong kabihasnan.

3000 B.C.

• Umunlad ang lungsod-estado ng Akkad, na itinatag ng mga Akkadian. Sinalakay at sinakop ng mga ito ang mga lungsod-estadong itinayo ng mga Sumerian. Ito ang itinuturing na kauna-unahang imperyo sa mundo.

2500 B.C.

• Natalo ng mga Babylonian ang mga Akkad at inangkin ang dating sakop nito. Ang mga ito ay mula sa lungsod-estado ng Babylon. Kilala ang imperyong ito dahil sa Kodigo ni Hammurabi o batas na nagsasabing "Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin."

2000 B.C.

• Lumakas ang mga Assyrian na nagtayo ng kanilang mga lungsod-estado sa Assur at Nineveh. Nilabanan at natalo ng mga ito ang mga Babylonian kaya nasakop nila ang mga lupaing nasasakupan ng mga Babylonian.

Pamumuhay

• Mga magsasaka

• Nagtayo ng mga kanal at dike para sa sistema ng irigasyon

• Nagtatag ng mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo

• Namuhay ng pangkat–pangkat at magkakahiwalay

Lipunan

• Binubuo ng apat (4) na antas ng tao:

o Pari at hari,

o artisan,

o magsasaka, at

o alipin

• Higit na maraming karapatan at pribilehiyo ang mga kababaihang pari at miyembro ng pamunuan

Pamahalaan

• Teokrasya (Theocracy) ang sistema ng pamahalaan

• Ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-estado

• Walang iisang pinuno

• Nakapangkat sa mga malayang lungsod – estado

• Madalas ang alitan dahil sa hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod ng bawat estado

Relihiyon

• Mga Poleistiko (Polytheism)

• Sumasamba sa maraming diyos at diyosa na pinaniniwalang may kontrol sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay at pamumuhay

• Ang mga sinasambang diyos at diyosa ay itinuturing na parang mga tao din na kumakain, umiinom, may emosyon, mga suliranin, nag-aasawa, at bumubuo ng pamilya.

• Sumasamba sa mga templong tinatawag na ziggurat

• Nagdarasal at nag-aalay ng mga hayop, butil ng palay, at alak upang makakuha ng pabor mula sa mga diyos at diyosa

• Naniniwala sa buhay matapos mamatay dito sa lupa

Sistema ng Pagsulat

• tinatawag na Cuneiform ( “cuneus” o "wedged" at "forma” o "shape")

• Binubuo ng 500 pictograph at mga simbolo

• Isinusulat sa tabletang luwad gamit ang stylus

Pagbagsak ng Sibilisasyon

• Kawalan ng sapat na depensa mula sa mga mananakop

• Mahinang pamahalaan dahil sa nag-aalitang mga pinuno at mga tagasunod

• Kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan

• Pananakop ng higit na malakas na pangkat ng tao

Kontribusyon/Pamana sa Daigdig

• Nakalikha ng unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform

• Nakaimbento ng gulong

• Unang nakalinang ng pamahalaang lungsod-estado

• Kalendaryong lunar

• Templong ziggurat

• Unang gumamit ng alloy bronze

• Nakagawa ng mga pasong sisidlan

• Nakapagsulat ng maunlad na sistema ng batas tulad ng Code of Hammurabi

• Naglimbag din sila sa pag-aaral ng mga sumusunod: Mathematics, Astronomy, at Agham

Para sa iba pang kaalaman ukol sa kasaysayan ng kabihasnang Mesopotamia buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/824818

brainly.ph/question/1553024

brainly.ph/question/799970