limang pangungusap na may panghalip pamatlig

Sagot :

Answer:

Limang Pangungusap na may Panghalip Pamatlig

  1. Ito ang bag na regalo sa akin ni nanay noong aking kaarawan.
  2. Iyon ang tirahan ng kaibigan kong si Bert.
  3. Iyan ang aklat na matagal ko nang hinahanap.
  4. Ganito ang relo na gusto ni tatay.
  5. Doon mo makikita ang hinahanap mong palaruan.

Panghalip

Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay isang bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili o pamalit pangngalan (ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari).

Panghalip na Pamatlig  

Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit bilang panturo, ito ay itinatawag na demonstrative pronoun sa wikang Ingles.

Halimbawa:  

  • Ito  
  • Iyon
  • Iyan  
  • Ganito  
  • Ganoon
  • Doon  
  • Diyan

Iba pang Pangungusap na may Panghalip Pamatlig

  1. Ganoon ang gusto kong makuhang regalo sa aking kaarawan.
  2. Diyan ako galing noong isang araw.
  3. Ito ang paborito kong damit.
  4. Iyon ang paaralan na aking pinapasukan.
  5. Iyan ang ulam na niluto ni nanay para sa aming tanghalian.
  6. Ganito ang proyekto na pinagawa sa amin ng aming guro sa Matematika.
  7. Doon ako nakatira.
  8. Diyan kami naglalaro ng aking mga kaibigan tuwing hapon.

Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa Panghalip at mga Halimbawa nito, magtungo sa mga link na nasa ibaba:  

brainly.ph/question/444199

brainly.ph/question/396595

#BetterWithBrainly