Ang imperyo ay binubuo ng mga lugar (o bansa) na siyang pinamamahalaan ng iisang pinuno. Maaaring ang kanilang pinuno ay kinikilalang hari, emperador, datu o sinumang makapangyarihang indibidwal na kanilang lubos na ginagalang at sinusunod. Ang pagpapalawak ng teritoryo ng mga hari ng imperyo noon ay sa pamamagitan ng pananakop ng mga kalapit-lugar. Isa sa mga tanyag na imperyo sa kasaysayan ay ang Imperyo ng Roma na nagmula sa panahon ng Kristo at ng mga apostol. Naging teritoryo ng mga Romano ang ilang mga bansa sa Europa, Asya at Aprika. Ilan sa mga kilalang namuno noong panahon ng mga Romano ay sina Pompey at Caesar.
Para sa iba pang impormasyon tungkol kay Caesar, basahin ang mga sumusunod:
#BetterWithBrainly