Answer:
Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining o National Commission for Culture and the Arts(NCCA) ang pangkalahatang ahensiya para sa paggawa ng patakaran, pag-uugnayan, at paggagawad ng tulong tungo sa pag-iingat, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng mga sining at kultura ng Filipinas. Nagsimula ito bilang Presidential Commission on Culture and the Arts na itinatag noong 1987 ni Pangulong Corazon C. Aquino. Naging NCCA ito noong 1992 nang pagtibayin ng Kongreso ng Filipinas ang Batas Republika 7356.