Ang Aso at ang kanyang Anino Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito'y matakot at ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa ilog.





Balikan Gawain: Ito ang Gusto ko! Panuto: Mula sa mga binasa mong pabula, pumili ng isang tauhan na hayop sa kuwento na sumasalamin sa iyo. Iguhit o idikit ang larawan nito sa isang putting papel. Pagkatapos, sumulat ng 2-3 pangungusap na nagpapaliwanag kung bakit ito ang hayop na iyong napili. Pangungusap:​