Nagising si Bea sa malakas na sipol ng hangin at ulan. Maaga pa para siya’y
bumangon upang pumasok sa paaralan. Nanatili siyang nakahiga upang mag inat-inat.
Narinig niyang may gising ng tao sa may bandang sala. Bumaba siya upang tingnan
kung sino ito. Nakita niya ang kaniyang ama’t inang nanonood ng balita sa telebisyon.
“O anak, kay aga mo yatang nagising,” wika ni Aling Esing.
“Oo nga po, Inay. Ang lakas po kasi ng hangin at ulan kaya’t di ko na po maibalik
ang aking pagtulog at narinig kong may tao na dito sa ibaba.
“Ah, ganoon ba anak. Siya nga pala, ayon sa balita ay walang pasok ang mga
estudyante sa lahat ng lebel dito sa ating lugar dahil sa paparating na bagyo sa ating
bansa. Tayo ay nasa signal no. 1 at patuloy itong lalakas lalo’t palapit nang palapit ang
bagyo,” wika ng ina.








“Naku, sabi po sa amin sa paaralan kapag ganito ang sitwasyon, kailangan na po
nating maghanda. Tulad ng flashlight, pagkain, gamot at iba pa. Pagsasama-samahin
daw po ito sa iisang lalagyan,” pagbibigay-alam ni Bea.
“Naku, anak naihanda na iyang lahat ng iyong ama kanina pa. Maaga kaming
nagising dahil din sa malakas na hangin at ulan,” wika ng ina.
Ilang oras ang nakalipas ay muling nagbahagi ng balita ang tagapagbalita at ayon
dito ay lumihis ang bagyo patungo sa ibang lugar at inaasahan na sa loob lamang ng
isang oras ay babayuhin na ito ng malakas na bagyo.
“Naku! Maraming salamat sa Diyos at hindi tayo ang babayuhin ng malakas na
bagyo. Ngunit kaawa-awa naman ang mga lugar na sasalantahin nito. Anak, mayroon
ka ba diyan mga damit o anomang bagay na mapapakinabangan na di mo na
ginagamit?” tanong ni Aling Esing.
“Mayroon po akong mga damit at kumot na di na ginagamit. Meron din pong mga
gamit sa eskuwela na maaari pang gamitin,” sagot ni Bea.” Bakit po Inay?” tanong ni
Bea.
“Ipamamahagi natin ang mga iyon sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.
Tiyak pagkatapos ng bagyong ito ay marami itong iiwan na sirang gamit o maging mga
bahay ng ating mga kababayan. Kami naman ng Itay mo ay maglilikom ng mga de-lata
at iba pang pagkain na madaling kainin at di na kailangang lutuin para sa mga taong
nasa evacuation center,” sagot ng ina.
“Aba Inay! Malaking tulong po ang naisip ninyong ideya.”
Maipapadama po natin sa kanila ang ating pagdamay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga gamit na ito. Tiyak nga po na walang naisalba ang iba sa mga
kababayan natin dahil sa biglang paglihis ng bagyo. Sige po Inay at ihahanda ko lamang
po ang mga gamit na ipamimigay ko maiwan ko po muna kayo,” pahayag ni Bea.
Ilang oras ang nakalipas at muling lumabas ang tagapagbalita sa telebisyon.
Ayon dito ay marami sa mga nasalanta ng bagyo ang humihingi ng tulong. Maaari raw
magpadala ng mga damit, kumot, pagkain at inumin. Inanunsiyo ng tagapagbalita ang
lugar kung saan maaaring magpadala ng anomang tulong.
“Inay, tama nga po kayo. Mabuti at naisaayos na natin ang ating mga
ipapamigay,” wika ni Bea,” Nasaan na po si Itay?” tanong ni Bea.
“Nasa kwuarto anak at naghahanda na upang pumunta sa lugar na pagdadalhan
ng mga gamit na ating ipamamahagi, “sagot ni Aling Esing.
“Inay, natutuhan ko po sa sitwasyong ito na mas mabuting tumulong kaysa ang
tulungan,” wika ni Bea.
“Tama ka anak,” saad ni Aling Esing


Nagising Si Bea Sa Malakas Na Sipol Ng Hangin At Ulan Maaga Pa Para Siyay Bumangon Upang Pumasok Sa Paaralan Nanatili Siyang Nakahiga Upang Mag Inatinat Narinig class=

Sagot :

Answer:

1. Dahil sa malakas na sipol ng hangin at ulan.

2. Nakita niya ang kanyang Ama't Ina na nanonood ng Balita sa Telebisyon

3. Ibinahagi niya ang kanyang Kaalaman

na dapat sa ganoong Sitwasyon kailangan nila maghanda.

4. ayon

dito ay lumihis ang bagyo patungo sa ibang lugar at inaasahan na sa loob lamang ng Isang oras ay babayuhin na ito ng malakasna bagyo.

5. Sa pamamagitan ng pamimigay O (pagtulog) Sa Masasalanta ng bagyo

6. Natutuhan ni bea ang Isang aral na mas mabuting tumulong kase tulungan.

7. Masaya

8. Sa pamamagitan po ng pagdamay O pag tulong Sa mga kababayan natin na Naapektuhan ng bagyo

Explanation:

[tex]carry \: on \: learning[/tex]

PABRAINLIEST TY:)

GOD BLESS