Sagot :
PANG-URI AT ANG KAANTASAN NITO
Ang pang-uri o adjective ay kilala sa isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ito ay tawag sa salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga pangngalan at panghalip.
:
Pang-uri at ang uri nito
brainly.ph/question/1857553
brainly.ph/question/791090
brainly.ph/question/231158
KAANTASAN O KASIDHIAN NG PANG-URI
Ang kaantasan ng pang-uri ay nahahati sa tatlo. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
1. Lantay- Ang lantay ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Mga Halimbawa:
Ang makulay na paruparo ay magandang pagmasdan.
Maganda ang suot na damit ni Marisa.
Masarap ang nilutong ulam ni Jane.
Marumi na ang damit niya sa kalalaro.
Isang maliit na saranggola ang ginawa ng kaniyang ama.
2. Pahambing- Ang pahambing ay ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri:
a. Pahambing na Magkatulad- Ito ay isang uri ng paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ipinakikita o ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghambingan. Ginagamit ang panlaping ka-, ga-, sing-, magkasing-, magsing-, magka-, kasing-, gaya, tulad, at iba pa.
Mga Halimbawa:
Singyaman ni Dan si Miguel sa kanilang bayan.
Magaling din siyang sumayaw gaya ng kaniyang ama.
Magkasinghusay umawit sina April at Glaiza.
Sina Rizza at Marie ay magkasingtangkad lamang
b. Pahambing na Di-magkatulad- Ginagamit ang pahambing na di-magkatulad kung. Ito ay ang paghahambing na nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtatanggi, o pagsalungat. Hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan nito. Nahahati ito sa dalawang uri:
b.1. Palamang- May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan sa bagay na pinaghahambing. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, mas, di-hamak at tinutulungan ng salitang kaysa o kaysa kay.
Mga Halimbawa:
Higit na masipag si Ana kaysa kay Angelica.
Mas masayang mamasyal sa parke kaysa dalampasigan.
Di-hamak na maganda ang ginawa niyang proyekto kaysa kay Norman.
Higit na mahaba ang laso ni Mae kaysa kay Meg.
b.2. Pasahol- Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Gumagamit ng di-masyado, di-gaano, di-gasino.
Mga Halimbawa:
Di na gaanong maganda ang samahan ng magkakaibigan.
Ang pagdiriwang namin ng pasko ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang ng iba na buo ang pamilya.
Di na gaanong magulo ang aking isip sa mga nangyayari sa aking buhay.
3. Pasukdol- Ito ay karaniwang nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay maaaring negatibo o positibo. Ito ay ang katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Ang paglalarawan nito ay masidhi kung kaya maaaring gumamit ng mga salitang ubod, sobra, tunay, talaga, saksakan, hari ng__, at maaari ring pag-uulit ng pang-uri.
Mga Halimbawa:
Pinakamahusay sa klase si Lester kung kaya marami ang humahanga sa kaniya.
Mataas na mataas ang pagtingin ko sa presidente.
Hari ng sipag ang aming mga guro.
Pinakamabilis tumakbo si Elmer kaya naman siya ang nanalo sa larong Pambansa.
Ang aking ina ay saksakan ng bait.